P6.8-M halaga ng shabu nasabat sa isang naaarestong suspect sa Antipolo City

0
27

Nasabat ng mga awtoridad ang nasa P6.8-M halaga ng hinihinalang shabu sa isang naarestong drug suspect sa Antipolo City.

Kinilala ang suspek na si John Lennon Tadena alyas Lin na nadakip matapos pumayag na makipagtransaksyon at magbenta ng droga sa mga poseur buyer sa harap ng isang convenience store sa Barangay San Isidro.

Maliban sa mga hinihinalang shabu na may timbang na sa isang kilo, nakuha din sa suspek ang tatlong sachet ng mga dried marijuana at tatlong pakete pa ng hinihinalang illegal drugs.

Ipinagharap ang suspek sa kasong paglabag sa section 5 at section 11 ng Republic Act 9165 o comprehensive dangerous drugs act of 2002.