P6.8-M halaga ng illegal drugs nasabat sa NAIA

0
19

Arestado ang dalawang suspek kasunod ng pagkasabat ng 6.8-M halaga ng iligal na droga sa port sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

November 6 nang makuha ng mga otoridad ang package na may lamang isang kilo ng shabu na mula pa sa Texas sa America.

Sa pamamagitan ng controlled delivery ay ipinadala pa rin ang naturang package sa kinauukulan sa ilalim ng monitoring ng otoridad.

Dahil dito, arestado sina Edison Chua at Brian Bantegui sa isang sports bar sa Makati City.

Nahaharap ang mga ito sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.