Sunday, May 5, 2024

Kamara umaaasang matitigil na ang pambabatikos ni Robredo sa ‘war on drugs’

- Advertisement -

Umaasa ang Kamara de Representantes na matitigil na ang pambabatikos ni Vice President Leni Robredo sa kampanya ng pamahalaan kontra ilegal na droga.

Ayon kay House Committee on Dangerous Drugs Chairman at Surigao Del Norte Representative Robert ‘Ace’ Barbers, imbis na batikos ang kanilang marinig sa bise presidente ay sana ay maglatag na ito ng kanyang proposal kaugnay sa ikabubuti ng kampanya ng pamahalaan laban sa ilegal na droga.

Gusto natin sana na itong pagtanggap niya ng pagiging co-chair ay siguro mahinto ang pagbatikos, at imbis na batikos ang ating marinig ay mga proposal kung ano ‘yung mga gagawin para ma-improve ito,” ani Barbers.

Samantala, hinihintay na lamang ng Kamara ang paglalatag ni Robredo ng kanyang plano sa pamamalakad ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD) bago nila ito imbihatan sa isang pagpupulong sa Kamara.

Gusto naming madinig dito sa Kongreso kung ano ang kanyang mga ipinahayag o ‘yung mga planong bago na ipo-propose niya dito sa ICAD na i-implement ng ating mga law enforcers,” ani Barbers. — sa panayam ng Balitang Todong Lakas

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img