Bagyong ‘Ramon’ lumakas pa habang kumikilos pa-kanluran, hilagang-kanluran — PAGASA

0
52

Lumakas pa ang Tropical Depression ‘Ramon’ at isa na ngayong Tropical Storm habang kumikilos pa-kanluran, hilangang-kanluran.

Dakong alas-8 ng umaga ng lumakas ang Bagyong ‘Ramon’, habang huli naman itong namataan ng PAGASA kaninang alas-10 ng umaga sa layong 385 kilometers silangan, hilagang-silangan ng Borongan City, Eastern Samar o 450 kilometers silangan ng Catarman, Northern Samar.

Posible namang makaranas ngayong araw ng mahina hanggang katamtamang pag-ulan na may panaka-nakang malakas na buhos ng ulan sa mga lugar ng Catanduanes, Camarines Sur, Albay at Sorsogon.

Mahina hanggang katamtamang pag-ulan na may pabugso-bugsong malakas na buhos ng ulan naman ang posibleng maranasan sa Camarines Norte, Masbate, Northern Samar at Eastern Samar.

Pinag-iingat naman ang mga residente sa naturang lugar dahil sa posibleng maranasang pagbaha at landslides.

Nakataas naman ang Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) No. 1 sa mga sumusunod na lugar:

  • Luzon
    Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes, Albay, and Sorsogon,
  • Visayas
    Eastern Samar and Northern Samar

Magiging mapanganib din ang pumalaot sa mga maliliit na sasakyang pandagat sa seaboards ng mga lugar na nasa ilalim ng Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS), Northern Luzon seaboards, eastern seaboards ng Central at Southern Luzon dahil sa maalong karagatan.