Friday, May 17, 2024

P4.1-T 2020 national budget inaasahang lalagdaan na ni Duterte ngayong araw

- Advertisement -

Inaasahang lalagdaan na ng Pangulong Rodrigo Duterte ngayong araw na ito ang P4.1-trillion 2020 national budget.

Ayon kay Presidential Legislative Liason Office Secretary Adelino Sitoy, gaganapin mamayang 4 p.m. sa Rizal hall ng Palasyo ang ceremonial signing ng 2020 General Appropriations act.

Magugunitang Disyembre 20 pa nang isumite ng Kongreso sa Palasyo ang panukalang 2020 budget na una nang sinertipikahang urgent ng pangulo.

Subalit hindi kaagad napirmahan ang panukalang budget dahil sinabi ni Presidential spokesman Salvador Panelo na binusisi pa ito ng pangulo .

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -