P36-M pekeng sigarilyo kumpiskado sa Maynila

0
10

Nakumpiska ng Bureau of Customs (BOC) ang nasa P36 na milyong halaga ng mga pekeng sigarilyo sa Maynila.

Batay sa ulat, nasabat ng BOC Port of Manila ang mga pekeng sigarilyo na isinilad sa 40 talampakang container.

Sa ulat ng BOC, nabatid na Agosto 25 pa dumating sa bansa ang naturang shipment kung saan idineklara lamang itong mga ‘cable connectors’.