Naitala sa Estados Unidos ang kaso ng re-infection ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Batay sa ulat, isang 25 taong gulang na lalaking pasyente mula sa Reno, Nevada ang sinasabing naitalang kaso ng re-infection ng COVID-19.
Ito ay matapos na magpositibo ng pasyente sa COVID-19 noong Abril kung saan nakitaan lamang ito ng o hindi malalang sintomas ng sakit, kung saan muli itong nagpositibo sa COVID-19 noong Mayo ngunit naging kritikal na ang lagay nito.
Una rito, nakapagtala rin ng tatlong kaso ng re-infection ng COVID-19 kung saan isa ang naitala sa Hong Kong at dalawa mula sa Europa.
