P31-B supplemental budget ng DA inaprubahan ng IATF

P31-B supplemental budget ng DA inaprubahan ng IATF

by Powered by DWIZ
45 views

Pirma na lamang ni Pang. Rodrigo Duterte ang kulang para sa P31-B na supplemental budget ng Department of Agriculture (DA).

Ito ay matapos na aprubahan ng Inter Agency Task Force on emerging Infectious Disease (IATF-EID) ang naturang pondo para sa DA.

Sa pahayag ng IATF-EID, sinabi nito na inaprubahan na nila ang supplemental budget na gagamitin ng DA para sa ‘plant, plant, plant’ program ng DA na gagamitin upang tiyaking sapat ang suplay ng pagkain habang umiiral ang enhanced community quarantine sa Luzon.

Una rito, sinabi ni Agriculture Sec. William Dar na titiyakin nilang sapat at hindi maapektuhan ang suplay ng pagkain sa Luzon sa gitna ng enhanced community quarantine kung saan apektado ang pagpasok o delivery ng pagkain sa Luzon.

0 comment

Related Posts