Bilang ng mga doktor na nasawi dahil sa COVID-19 nadagdagan pa

Bilang ng mga doktor na nasawi dahil sa COVID-19 nadagdagan pa

by Powered by DWIZ
32 views

Nadagdagan pa ang bilang ng mga doktor na nasawi dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ito’y ayon kay Private Hospitals Association of the Philippines (PHAPI) President Dr. Rustico Jimenez kung saan sumampa na sa 12 ang bilang ng mga doktor na nasawi matapos na mahawa ng virus sa gitna ng kanilang pagbibigay serbisyo upang malabanan ang COVID-19.

Dahil dito, muling nanawagan si Jimenez para sa personal protective equipment (PPE) na labis aniyang makatutulong upang maprotektahan ang mga health workers sa panganib ng virus.

0 comment

Related Posts