29.6 C
Manila
Friday, April 19, 2024

Naitalang kaso ng COVID-19 sa Maynila nadagdagan pa

- Advertisement -

Patuloy na tumataas ang kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa lungsod ng Maynila.

Batay sa impormasyong inilabas ng Manila Health Department, sumampa na sa 50 ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa Maynila habang nasa anim naman ang bilang ng mga naitalang nasawi dahil sa nasabing virus.

Kaugnay nito, nasa 192 naman ang bilang ng persons under investigation (PUI) dahil sa posibleng COVID-19 infection.

Samantala, nananatili naman sa dalawa ang bilang ng mga nakarekober sa sakit mula sa lungsod ng Maynila.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -