Dengue maaaring maipasa sa pakikipag-talik —Duque

0
10

Posibleng maipasa ang Dengue virus sa pamamagitan ng pakikipag talik.

Ito ang nilinaw ni Health Secretary Francisco Duque III matapos maitala ang kauna-unahang kaso ng sexually transmitted dengue virus sa Spain noong nakaraang linggo.

Ayon kay Duque, ito ay dahil nanatili sa dugo at sa ihi ng tao ang Dengue virus sa loob ng 23 araw kung saan may impeksyon din itong dulot sa semilya ng lalaki na tumatagal ng 27 araw.

Gayunman, binigyang diin naman ng kalihim na ang naitalang kaso sa Spain ay pambihira kaso ng dengue virus transmission kung saan malaki rin aniya ang posibilidad na bunsod ito ng unprotected sex.

Samantala, nilinaw naman ni Duque na walang bagong strain ng Dengue virus at muli naman nitong pinayuhan ang publiko hinggil sa ligtas na pakikipagtalik dahil sa tumataas na kaso ng HIV sa bansa.