P15-B nanakaw ng mga umano’y ‘mafia’ sa PhilHealth

0
12

Tinatayang nasa P15-bilyon ang umano’y nanakaw sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) gamit ang iba’t ibang uri ng panloloko ng mga tinaguriang ‘mafia’ sa ahensya.

Ito ang ibinunyag ni dating anti-fraud legal officer Thorsson Montes Keith na isa sa tumestigo sa isinagawang pagdinig sa senado kaugnay sa umano’y malawakang korapsyon sa PhilHealth.

Ayon kay Keith, maituturing na “crime of the year” ang nangyayari sa tanggapan ng PhilHealth dahil sa mga ma-anomalyang transaksyon.

Inaakusahan rin ni Keith si PhilHealth president at CEO Ricardo Morales na umano’y nag-utos sa kanya na kausapin si Presidential Anti-Corruption Commission Commissioner Greco Belgica na hilutin ang kaso sa overpriced test kits.

Aniya, inindorso rin umano ni Morales ang overpriced na IT budget items na nagkakahalaga ng P750-milyon.