P12-K ayuda sa mga luging magsasaka sa bansa isinusulong ni Hontiveros

0
29

Isinusulong ni Senator Risa Hontiveros na mabigyan ng tig-P12,000 ang mga magsasakang nalugi dahil sa mababang presyo ng palay sa bansa.

Inilatag ni Hontiveros ang panukala sa 10th National Congress ng Pambansang Kilusan ng mga Samahang Magsasaka (PAKISAMA) sa Rizal kahapon, Nobyembre 12.

Maituturing aniya ang ayudang ito na bayad sa malaking halagang nalulugi sa mga magsasaka dahil sa pagbaha ng imported na bigas matapos ang implementasyon ng Rice Tariffication Law.

Bukod dito, itinutulak din ni Hontiveros ang agarang pamamahagi ng P6.5-billion na cash assistance para sa mga magsasaka.

Matatandaang sa pinakahuling ulat ng Department of Agriculture (DA), bumagsak na sa P10 ang presyo ng kada kilo ng palay kung saan ito na rin ang pinaka-mababang halaga na palay sa nalipas na 8 taon.