Pagbuo ng Department of Water lusot na sa House committee

0
27

Lusot na sa House Committee on Public Works and Highways ang panukalang batas sa pagbuo ng Department of Water Resources (DWR).

Sa ilalim ng panukala, ang DWR na ang siyang magiging pangunahing ahensya na mamamahala sa mga water resources sa bansa.

Sa oras na maging batas, sasailalim sa DWR ang Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS), Local Water Utilities Administration, Laguna Lake Development Authority, Pasig River Rehabilitation Commission, at National Irrigation Administration.

Sa ilalim rin ng panukala, magiging epektibo ang implementasyon ng mga probisyon ng Republic Act 9275 o ang Water Code of the Philippines, at ng Code of Sanitation sa bansa.