P10 minimum na pasahe sa jeep hindi pa maipatutupad ng ilang drivers

0
38

Posibleng abutin pa ng isang buwan bago tuluyang makapaningil ng sampung pisong (P10) minimum fare ang ilang mga jeepney drivers.

Ayon kay Alliance of Concerned Transport Organizations o ACTO President Efren de Luna, ito ay dahil sa mahabang proseso ng pagkuha ng fare matrix.

Aniya, sa Lunes pa lamang makapaghahain ang maraming mga jeepney operator sa dumaan na holiday at kalituhan sa mismong araw ng pagpapatupad ng fare increase.

Sa kabila nito, tiniyak naman ni De Luna na hindi maniningil ng dagdag na pasahe ang kanilang mga miyembro hangga’t walang hawak na fare matrix.

—-