Higit 20 sugatan sa pagbulusok ng sasakyan sa isang bangin sa Cotabato

0
58

Higit dalawampu (20) katao ang sugatan sa pagkahulog ng isang pampasaherong multicab sa bangin sa Cotabato.

Sa inisyal na ulat ng pulisya, galing sa sementeryo ang multicab nang magkayayaan sa tourist destination na UK Peak ang pamilyang sakay nito.

Nang paakyat na sa bundok ay biglang namatay ang makina ng multicab kaya hindi na nakontrol ang pagbulusok nito sa bangin sa gilid ng kalsada.

Nagpapagaling na sa Cotabato Regional and Medical Center ang mga biktima.

—-