AFTER 27 YEARS—Sister Patricia Fox lilisanin na ang Pilipinas ngayong araw

0
52

Inaasahang ngayong araw ay lilisanin na ni Sister Patricia Fox ang bansa matapos ang 27 taong pananatili dito.

Ito ay matapos na ibasura ng Department of Justice (DOJ) ang apela ni Fox na palawigin pa ang kanyang tourist visa.

Bago ang kanyang tuluyang pag-alis sa bansa, nanawagan si Fox sa mga Filipino na maging matapang at huwag basta na lamang manahimik sa mga nangyayaring paglabag sa mga karapatang pantao.

Napapanahon aniya na isabuhay ang naging mensahe ni Pope Francis noong 2014 na gisingin ang mundo at magserbisyo para sa mga api at mahihirap.

Una nang inakusahan ng Duterte administration si Fox na sumasali sa mga kilos protesta na mahigpit namang ipinagbabawal sa mga dayuhang nasa bansa.


‘Injustice’

Maituturing na injustice ang puwersahang pagpapalabas sa bansa kay Sister Patricia Fox.

Ngayong araw inaasahang lilisanin na ni Fox ang Pilipinas matapos na hindi palawigin ang kanyang temporary visit visa.

Ayon kay BAYAN Secretary General Renato Reyes, itinuring na kriminal at undesirable ng gobyernong Duterte ang madreng nagsilbi ng 27-taon sa mahihirap at naaping Pilipino.

Sa pag-alis ni Australyanong madre, nagpasalamat ang grupong BAYAN sa naging pagmamalasakit ni Fox sa mamamayang Filipino.

Umaasa silang sa kabila ng paglisan ni Fox sa bansa ay hindi ito ang katapusan.

—-