Sunday, May 5, 2024

P1.65-B supplemental fund para sa DOH vs. COVID-19 lusot na sa Kamara

- Advertisement -

Lusot na sa house committee on appropriations ang panukalang supplemental fund para sa Department of Health (DOH) upang labanan ang 2019 coronavirus disease (COVID-19).

Nasa kabuuang P1.65-bilyon ang inaprubahang pondo ng komite.

Sa pagdinig ng komite, sinabi ni Health undersecretary Roger Tong-An na P3.1-bilyon ang kanilang kakailanganing pondo para sugpuin ang nasabing virus.

Sa nasabing halaga, ang P2.35-milyon ay gagamitin sa pagbili ng personal protective equipment, P933-milyon sa maintenance and other operating expenses at salaries at P139-milyon para sa bibilhing 40,000 test kits.

Gayunman, tiniyak ni Tong-An na mayroon pang mapagkukunan ng pondo para sa kampanya kontra COVID-19 tulad ng Philippine Amusement and Gaming Corporation  (PAGCOR) na nangakong magbibigay ng P2-bilyon habang P490-milyon naman ang sinasabing ibibigay ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Bukod dito, ang DOH ay mayroong P539-milyon na savings at P81-milyon mula sa kanilang quick response funds na maaaring gamitin.

Ipinabatid naman ni Deputy Treasurer Sharon Almanza na mayroon pang ibang pagkukunan ng pondo ang gobyerno kabilang ang P13-bilyon contingency fund at P100-milyon quick response fund ng DOH.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img