11 karagdagang kaso ng COVID-19 sa bansa kinumpirma ng DOH

0
13

Sumampa na sa 35 ang kabuuang bilang ng kaso ng 2019 coronavirus disease (COVID-19) sa Pilipinas.

Ito’y makaraang kumpirmahin ng Department of Health ang 11 karagdagang kaso ng naturang virus ngayong hapon ng Martes, ika-10 ng Marso.

Sa Facebook page ng DOH, makikita ang kanilang anunsyo kaugnay sa latest tally ng mga naturang kaso.

Samantala,magugunita namang nagdeklara na ng state of public health emergency si Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa pagtaas ng bilang ng COVID-19 cases sa bansa.