Duterte umapela sa Kongreso na mabigyan ng emergency powers para matugunan ang COVID-19

0
28

Umapela na si Pang. Rodrigo Duterte sa kongreso para mabigyan siya ng emergency powers upang matugunan ang coronavirus disease (COVID-19).

Sa isang certified urgent unnumbered bill na ipinadala ng Malacañang sa senado, nakasaad na dapat mabigyan ang Pangulo ng sapat na kapangyarihan para sa pagpapatupad ng ‘unified national policy’ para labanan ang COVID-19.

Kabilang sa mga kapangyarihan na ipinagagawad sa Pangulo ang ‘temporary take over’ pribadong kumpanya, gaya na lamang ng mga hotels, privately owned public utilities.

Nakasaad sa nasabing panukala na sa kabila kasi ng pinaigting na quarantine protocols ng pamahalaan ay patuloy pa rin sa pag-taas ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa.

Dahil dito, nakasaad sa panukala na dapat nang bigyan si Pangulong Duterte ng, “emergency powers subject limitation”.

Sa nasabing panukala, mabibigyan din ng kapangyarihan ang pangulo na pangasiwaan ang pagkuha sa mga pangunahing bilihin, personal protective equipment (PPE) at iba pang medical supplies.

Otomatiko ring magkakaroon ng kapangyarihan ang Pangulo na magsagawa ng re-alignment, re-program, re-allocation sa mga pondong nakapaloob sa 2020 national budget.

Matatandaang, parehong nakatakda ang Kamara at Senado na magsagawa ng special session ngayong araw para sa pondong gagamitin ng kumpanya kontra COVID-19.