7 katao patay sa karambola ng 17 sasakyan sa Sta. Rosa, Laguna

0
58

Patay ang pito katao habang hindi bababa sa labing anim ang sugatan sa karambola ng labimpitong sasakyan sa Sta. Rosa City, Laguna kagabi.

Ayon kay Sta. Rosa Chief of Police, Supt. Eugene Orate, nawalan ng kontrol ang driver ng isang fourteen-wheeler na trailer truck na may bitbit ng mga bakal sa bahagi ng Sta. Rosa-Tagaytay road sa barangay Sto. Domingo alas onse y medya kagabi.

Inararo nito ang labing anim na saksakyan kabilang ang dalawang motorsiklo at isang tricycle bago bumangga sa isang bakery at bahay.

Kabilang  sa mga nasawi ang dalawang pasahero ng tricycle, isang babae  at kanyang mga anak na may edad isa at dalawang taon na natutulog na sa loob ng bahay at isang nagtatrabaho sa bakery.

Kinilala naman ang driver ng trailer truck na si Antonio Bernardo na kasalukuyan nang pinaghahanap matapos makatalon at makatakas bago pa man bumangga ang minamanehong sa bahay at bakery.