Operasyon ng Pasig River Rehabilitation Commission ipinahinto ni Duterte

0
16

Binuwag na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Pasig River Rehabilitation Commission (PRRC).

Sa bisa ng Executive Order Number 93, ipinag-utos ni Pangulong Duterte ang pagbuwag sa PRRC matapos ilipat sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang chairmanship ng nasabing rehabilitation body.

Ayon sa EO, saklaw ng DENR ang pagpapatupad ng Republic Act No. 9275, o ang Philippine Clean Water Act of 2004, na tutugon sa lahat ng aspeto ng water pollution.

Dahil dito, ang DENR na ang ahensiyang magpapatupad ng lahat ng batas na may kinalaman sa rehabilitasyon ng Pasig River.