Mga fast food at mini groceries pinayang mag angkat ng bigas ng DTI

0
19

Pinayagan na ng pamahalaan na makapag import ng sarili nilang bigas ang mga fast food at maliliit na groceries para sa kanilang sariling konsumo o paninda.

Ayon kay Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ramon Lopez, ang Philippine International Trading Corporation (PITC) ang mag i-import para sa mga fast food at groceries para makakuha ng volume discount.

Sisimulan muna anya ito sa isang container subalit posibleng umabot sa 300 sa hinaharap.

…and si PITC will not make money, it’s just a management fee, para mas maraming murang rice para sa ating mga consumers,” —ani DTI Secretary Ramon Lopez.