Operasyon ng lahat ng C-130 planes sinuspinde kasunod ng fire incident

0
52

Sinuspinde ng Philippine Air Force ang operasyon ng lahat ng C-130 planes kasunod ng pagkasunog ng isang eroplano nito habang pa-take off sa Clark Air base noong Miyerkoles.

Ayon kay Air Force Spokesman Major Aristides Galang, patungo sana ang isang C-130 airplane sa Puerto Princesa City at Pagasa Island sa West Philippine nang maganap ang pagkasunog.

Sakay ng eroplano ang isang daan at labing limang (115) pasahero na pawang mga estudyante ng National Defense College of the Philippine na bibisita sana sa Pagasa Island bilang bahagi ng kanilang curriculum.

Patuloy pa aniyang iniimbestigahan ang naging sanhi ng insidente.

—-