Bilang ng turista sa Boracay ngayong buwan lumampas sa limitasyon

0
56

Pinaghahandaan na ng Boracay Inter-Agency Task Force ang pagdagsa ng mga turista sa isla ng Boracay, sa Aklan, ngayong bakasyon.

Ayon kay Environment Undersecretary Benny Antiporda, bagaman inaasahan na ang pagdagsa ng mga turista, hindi dapat lumampas ang kanilang bilang sa daily limit.

Maka-ilang beses anyang lumampas sa daily limit ang bilang ng mga turista sa isla ngayong buwan halimbawa na lamang nito.

Halimbawa na lamang nito noong Marso 16 kung saan umabot sa 7,343 ang turista o lampas sa 6,405 na itinakda.

Dapat mag-presenta ang mga bumibisita sa Bora at kanilang confirmed bookings sa isa sa mga accredited establishment.

Ngayong araw magpupulong ang task force upang talakayin ang mga preprasyon para sa inaasahang buhos ng mga turista sa Boracay.

Batay sa Municipal Tourism Office, umabot sa halos isang milyong local at foreign tourist ang bumisita sa isla noong isang taon.

—-