“Dagdag gastos dahil sa water shortage dapat i-reimburse ng Manila Water”

0
49

Iginiit ng Laban Konsyumer na dapat i-reimburse ng Manila Water ang mga dagdag gastusin ng ospital, mga kabahayan at lalo na ng maliliit na negosyo dahil sa kawalan ng tubig.

Maliban pa ito sa one time bill waiver o hindi pagbabayad ng konsumo ng tubig ngayong Marso na ipatutupad na ng Manila Water.

Tinukoy ni Atty. Vic Dimagiba, Pangulo ng Laban Konsyumer ang mga hakbang na ginawa ng mga public hospitals upang matiyak ang tuloy-tuloy na supply ng tubig lalo na sa mga dialysis centers.

Kasama rin dito ang pagbili ng mga drums at balde ng mga kabahayan.

Ayon kay Dimagiba, mas mabilis na mapo-proseso ang reimbursement kumpara sa plano ng iba na maghain ng class suit dahil itinatakda ito ng consumer act.

“Alam mo kailangang mabalik ang pera ng mga ‘yan, emergency procurement ‘yan eh, bubusisiin ‘yan ng mga auditor later on, baka mamaya magpapalit-palit ng mga tao diyan maiba pa ang maging conclusion diyan, kawawa naman ang mga nag-decide for the interest of the hospital, ang unahin siguro nila ay mga hospital, public services na naapektuhan at naggasta ng konti, ngayon pa lang siguro ay i-accept na nila ang claims at i-announce nila na binayaran na nila,sunod na itong mga individuals.” Ani Dimagiba

Sinabi ni Dimagiba na kung tutuusin ay maliit ang isandaan at limampung (150) milyong pisong gagastusin ng Manila Water para sa one time bill waiver.

“’Yung talagang less than 10 lang ‘yan na ‘yung lifeline rate, mostly nasa 30% na poor na household sa atin, wala nang isyu doon kasi hindi naman sila lumalagpas sa 10, pero karamihan naman ng nakita natin na nagpilahan, naperwisyo, mga maliliit na negosyo siguro nasa 50-60 cubic meters ang mga ‘yan.” Pahayag ni Dimagiba

  (Ratsada Balita Interview)