One hospital command inilunsad na ng IATF

0
17

Inilunsad na ng IATF ang one hospital command, isang centralized hospital occupancy monitoring system.

Ayon kay National Task Force Chief Implementer Carlito Galvez, malaking tulong ito para sa epektibong pag-monitor at koordinasyon sa pagpapadala ng mga COVID-19 patients sa mga ospital.

Sa pamamagitan nito, masusubaybayan anya ng pamahalaan kung saan ang mga ospital na puno na at kung saan puedeng ipadala ang mga COVID-19 patients.

Sa pamamagitan ng one hospital command center, magkakaroon ng access ang bawat ospital sa real time data kung punuan na ang isang ospital at makahanap ng ibang puwedeng pagdalhan sa mga pasyenteng itatawag sa center.