GDP mula Abril hanggang Hunyo ngayong taon bumagsak

0
11

Posibleng bumulusok sa -5.5% ang Gross Domestic Product (GDP) ng bansa sa kabuuan ng 2020.

Ito ang bagong pagtaya na inilabas ng development budget coordination committee matapos na bumagsak sa -16.5% ang GDP mula Abril hanggang Hunyo.

Mas mababa ang bagong projection sa nauna nilang pagtaya na posibleng dalawa hanggang 3.4% ang contraction ng ekonomiya para ngayong taon.

Ayon kay acting Socioeconomic Planning Secretary Karl Kendrick, isinama na nila sa kanilang projection ang epekto ng pagbabalik ng NCR at ilang pang lalawigan sa ilalim ng modified enhanced community quarantine (MECQ).