Ilang infra projects ng gobyerno itinigil muna

0
16

Isinantabi na ng pamahalaan ang 8 sa kanilang infrastructure projects.

Ayon kay presidential adviser on flagship programs and projects, Vince Dizon, ang mga isinantabi nilang proyekto ay pawang ginagawan pa lamang ng feasibility study.

Nais anya nilang tutukan na muna sa ngayon ang mga proyekto na nasimulan na o kaya ay nasa advance stage na ng government approval.

Ang mga isinatanbing infrastructure projects ay ang Bataan-Cavite Link Bridge, Daton Pass East Alignment, New Zamboanga International Airport, New Dumaguete Airport, Panay River Basin Integrated Development, Kabulnan Muntipurpose Irrigation and Power Project, Kanan Dam Project at Guimaras to Negros portion ng Panay -Guimaras Negros Bridge.