Oil spill sa EDSA nagdulot ng matinding trapiko

0
48

Nakaranas na naman ng masikip na daloy ng trapiko sa EDSA kaninang umaga.

Ilang lanes ng EDSA Northbound sa bahagi ng SM North EDSA ang isinara sa daloy ng trapiko dahil sa tagas ng langis mula sa isang truck.

Ilang motorsiklo rin ang di umano’y sumemplang dahil sa madulas na kalsada.

Agad namang dumating sa lugar ang mga tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP) para bombahin ng tubig na may Aqueous film forming foam (AFFF) ang langis.

Samantala, hindi na natagpuan ng otoridad ang truck na pinagmulan ng langis.