Ilang lansangan sa San Juan sarado para sa pagdiriwang ng Pinaglabanan Day

0
62

Sarado ngayong araw ang ilang lansangan sa San Juan City para sa pagdiriwang ng Pinaglabanan Day sa lungsod.

Base sa inilabas na abiso ng traffic and parking management office ng San Juan, sarado mula kaninang 6:00AM ang Jose Gil Street hanggang sa N. Domingo Street.

Padadaanin ang mga bus at track na galing ng Ortigas Avenue patungong Maynila sa Granda Street patungong Quezon City west bound at kakaliwa sa Aurora Boulevard.

Samantala sa Santolan Road patungong Aurora Boulevard naman dadaan ang mga light vehicles na patungong Maynila.