Biyaheng Poland ni Trump kinansela dahil sa inaasahang pananalasa ng hurricane ‘Dorian’

0
53

Kinansela na ni U.S. President Donald Trump ang biyahe nya sa Poland ngayong weekend.

Ini-anunsyo ni Trump na hindi na nya itutuloy ang kanyang biyahe sa isinagawang signing ceremony sa Rose Garden.

Sinabi ni Trump na mahalagang manatili sya sa Washington kapag nanalasa ang hurricane Dorian sa Florida.

Batay sa prediksyon ng National Hurricane Center, ang bagyong Dorian na  na nasa  category 4 ang lakas ay inaasahang  tatama sa kalupaan ng Florida sa September 2.