Oil price rollback ilalarga ngayong Martes

0
17

Magpapatupad ng rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis simula ngayong araw, Martes.

Sa abiso ng iba’t ibang mga oil companies, P0.25 kada litro ang itatapyas-presyo ng gasolina.

Nasa P0.30 kada litro naman ang bawas sa diesel, habang makakaltasan naman ng P0.15 kada litro ang presyo ng kerosene.

Epektibo ang bawas-presyo mamayang alas-6 ng umaga, maliban sa Caltex na una nang nagpatupad ng rollback kanilang alas-12:01 kaninang hatinggabi.