Saturday, May 18, 2024

Bagong schedule ng Tokyo Paralympics inilabas na

- Advertisement -

Naglabas na ng bagong schedule sa Paralympics ang organizers ng Tokyo 2020 matapos itong maantala sa susunod na taon.

Ayon kay Tokyo 2020 Games delivery officer Hidemasa Nakamura, nagkaroon lamang sila ng kaunting pagbabago mula sa orihinal na kalendaryo ng nabanggit na sports event.

Dahil aniya sa epekto ng pandemic sa Tokyo 2020, nakatakda nang ganapin ang Paralympics mula ika-24 ng Agosto hanggang ika-5 ng Setyembre, 2021.

Sinabi ni Nakamura, isa sa mahirap na pasiya para sa kanila ang pagpapaliban sa pandaigdigang palaro at pagtatakda ng bagong schedule nito.

Kasabay pa aniya ito ng kanilang pagtiyak sa seguridad ng mga manlalaro at venue para makapagpatupad ng mga hakbang kontra coronavirus disease 2019 (COVID-19).

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -