COVID-19 cases sa buong mundo mahigit 18-M na

0
9

Pumalo na sa mahigit 18-milyon ang kabuuang kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa buong mundo.

Ito ay matapos makapagtala ng mahigit 217,000 bagong kaso.

Batay sa pinakahuling tala, halos 690,000 na ang nasawi dahil sa COVID-19, habang mahigit 10.5-milyon na ang gumaling.

Naitala naman sa India ang may pinakamaraming bilang ng bagong nasawi sa loob ng isang araw dahil sa COVID-19 na umabot sa 771.

Samantala, nananatili naman ang Estados Unidos bilang nangungunang bansa na pinakamatinding tinamaan COVID-19 na nakapagtala na ng mahigit 2.7-milyong kaso at higit 94,000 nasawi.