Saturday, May 4, 2024

Oil price increase sa gasolina lalarga na bukas

- Advertisement -

Puputulin na simula bukas ng mga kumpanya ng langis ang ilang linggong serye ng rollback sa gasolina.

Epektibo 6:00 ng umaga bukas ipatutupad ng Eastern Petroleum, Petro Gazz, Seaoil, Shell at Jetti Petroleum ang dagdag kwarenta sentimos sa kada litro ng gasolina.

Magpapatupad naman ng diyes sentimos na tapyas presyo sa kada litro ng diesel habang kwarenta’y singko sentimos sa kerosene o gas.

Ang panibagong paggalaw sa presyo ay bunsod ng price adjustment sa international market makaraang magpasya ang Organization of Petroleum Exporting Countries at Russia na bawasan ng mahigit isang milyong bariles ang oil production.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img