32.7 C
Manila
Thursday, April 25, 2024

AFP kukumbinsihin ang mga senador na suportahan ang ML extension sa Mindanao

- Advertisement -

Kukumbinsihin ngayon ng Armed Forces of the Philippines ang mga senador na suportahan ang rekomendasyon nilang palawigin pa ng isang taon ang martial law sa Mindanao.

Sa isang executive session, iisa isahin ng militar kasama ang Dept of National Defense at National Security Council ang mga umiiral pang banta sa seguridad ng Mindanao.

Ayon kay Senador Panfilo Lacson, kelangang makumbinsi sila na kailangan pa at mayroong legal na basehan para palawigin ang martial law sa Mindanao sa ikatlong pagkakataon.

Matatandaan na dalawang beses nang pinalawig ng dalawang kapulungan ng kongreso ang martial law sa Mindanao na unang idineklara noong May 23, 2017 nang salakayin ng Maute ISIS ang Marawi City at nakatakda sanang magtapos sa December 31 ng taong ito.

(with report from Cely Ortega- Bueno)

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -