29.6 C
Manila
Friday, April 19, 2024

Balangiga bells darating na bukas

- Advertisement -

Nakatakda nang dumating bukas, Disyembre 11 ang makasaysayang Balangiga bells sa Eastern Samar.

Ayon sa Malakanyang, mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ang sasaksi sa handover ceremony ng Pilipinas at Estados Unidos sa Villamor Airbase.

Ibinibiyahe na ang mga naturang kampana patungo sa Guam mula sa Warren Air Force Base sa Wyoming gayundin sa US Army Museum sa South Korea bago dalhin sa Pilipinas.

Pagkatapos nito ay ikakasa na ang mga paghahanda para naman sa pormal na pagbabalik ng mga kampana mula Maynila patungong Balangiga, Eastern Samar sa Sabado, Disyembre 15.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -