27.7 C
Manila
Friday, December 8, 2023

Officials ballot nakarating na sa siudad ng Baguio

- Advertisement -

Baguio City – Tinanggap ni City Treasurer Alex Cabarubias ang mga official Election Ballots, Election Returns, at iba pang forms mula sa LBC ang opisyal na tagapagdala ng Commission on Elections.

Napag-alaman na ang mga forms ay nagmula pa sa Comelec main office sa Intramuros, Maynila.

Ang mga forms ay gagamitin bilang paghahanda sa parating na Barangay at Sangguniang kabataan Elections sa Oktubre a 30 ng taong ito. 

Sa kaugnay na balita, ang mga Election forms at iba pang election paraphernalia para sa 2023 Barangay and Sangguniang Kabataan Election (BSKE) ay dumating na sa probinsiya ng Abra sa COMELEC provincial hub nito. Ito ang ipinahayag ni Comelec Provincial Election Supervisor Atty. Mae Richelle Belmes.

Samantala, kanya rin ibinahagi na ang ikalawang pangkat ng pagpapadala ng mga election materials sa 2023 BSKE ay nakatakdang dumating sa mismong  Oktubre a 30 o mas maaga pa.

Sinabi rin niya na ang unang pangkat ay kinabibilangan ng mga non-accountable election materials samaantala ang ikalawang pangkat ay ang mga accountable election forms.

Ang pagdadala ng election paraphernalia ay tinanggap ng mga kinatawan mula sa Provincial Treasury Office at ng COMELEC-Abra at sinaksihan ng mga opisyal ng lokal na gobierno at maging ng mga mamamayon na roon.

 Ang mga election materials ay ipapamahagi sa iba’t ibang opisina ng mga ingat yaman ng 27 munisipyo sa probinsiya ng Abra. (Joel Cervantes/Jimmy Bernabe, photo courtesy by Mika Cervantes)

- Advertisement -

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -