Obispo ng Novaliches may reaksyon sa umiiral na community quarantine sa lungsod

0
21

Maituturing bigo ang mga umiiral na community quarantine sa mga lungsod at komunidad kung magugutom naman ang mga mamamayan.

Ito ang naging reaksyon ni Novaliches Bishop Roberto Gaa sa mga itinaas na alerto sa iba’t-ibang lugar sa bansa dahil sa banta ng coronavirus disease (COVID-19).

Ayon sa Obispo, itinataas ang mga community quarantine na ito upang matiyak ang kaligtasan ng publiko ngunit mistula aniyang wala itong saysay kung malalagay rin naman sa alanganin ang kanilang buhay dahil sa gutom.

Aniya, isa kasi sa mga ini-inda ng mga residente sa ngayon ang posibilidad na magkaubusan ng suplay ng pagkain at iba pang pangangailangan dahil sa mga ipinatutupad na lockdown.

Sa ngayon, umapela naman ang Obispo sa mga mananapalataya na patuloy lamang na magdasal, at isa-alang-alang din ang kapakanan ng kanilang kapwa sa gitna ng COVID-19 outbreak.