Isang OFW sa Macau, Greece positibo sa COVID-19

0
21

Nagpositibo sa coronavirus disease (COVID-19) ang isang overseas filipino workers (OFW) sa Macau at Greece.

Batay sa ulat, isang OFWang naging ika-15 kaso ng COVID-19 sa Macau matapos na mapag-alamang nagpositibo ang isang 31 anyos na pasyenteng Pinoy sa virus.

Nabatid na Enero 27 nang umuwi ang naturang OFW sa Pilipinas at nito lamang Marso 16 ng bumiyahe ito pabalik ng Macau.

Habang isa rin namang Pinoy ang nagpositibo sa virus sa Athens, Greece.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), nakitaan ng mild symptoms ang nasabing OFW at kasalukuyang naka-home quarantine.

Sa ngayon, nasa 331 naman ang kabuuang kaso ng COVID sa Greece.