COVID-19 test kits mula South Korea, China aprubado na ng FDA para magamit

0
19

Aprubado na ng Food and Drug Administration (FDA) ang paggamit, at pagbebenta sa coronavirus disease (COVID-19) test kits na mula sa South Korea at China.

Sa inilabas na pahayag ng FDA, apat na testing kits para sa COVID-19 ang inaprubahan para sa commercial use.

Ayon kay FDA Dir. Gen. Eric Domingo, ang mga inaprubahang test kits na ito ay maari nang mabili at magamit ng mga ospital para mas mapabilis ang kanilang laboratory testing sa mga sample para sa COVID-19.

Gayunman, binigyang diin naman ng FDA na ang mga testing kits na ito ay para lamang sa paggamit ng mga eksperto dahil hindi aniya ito parang ‘pregnancy test’ na maaring magamit sa mga tahanan.

Sinabi ni Domingo na ang mga aprubadong test kits ay nakasunod sa mga alituntuning itinakda ng FDA memorandum 2020-006 o ang issuance of special certification for imported test kits of COVID-19.

Sa ngayon, kasalukuyang isinasagawa ng mga siyentipiko ang field testing sa mga locally-made kits.