Isa pang hukom nag-inhibit sa paghawak ng kaso ni De Lima

0
56

Isa pang judge ang nag-inhibit na sa paghawak ng kaso ni Sen. Leila De Lima

Sa kanyang limang pahinang desisyon, sinabi ni Judge Lorna Navarro Domingo ng Muntinlupa RTC branch 206 na nag i-inhibit siya sa kaso para sa magpakita ng good faith sa magkabilang panig.

Gayunman, hindi sumang-ayon si Judge Domingo sa mga grounds na tinukoy ni Senador De Lima sa kanyang motion to inhibit.

Una na rito ang di umano’y pagpapakita niya ng pagkiling sa prosecution nang ibasura nya ang mosyon ni De Lima na i-disqualify bilang mga testigo ang labing tatlong convicted criminals.

Iginiit ni Domingo na ibinasura niya ang mosyon ni De Lima dahil limang minutong nahuli sa deadline ang isinumite nitong sagot sa Korte.

Nanindigan rin si Domingo na pinapayagan ng rules ang pagpayag nya na amyendahan ng prosecution ang naunang kaso na isinampa laban sa senador.

Matatandaan na unang kinasuhan si De Lima ng illegal drug trading na pinalitan ng conspiracy to commmit illegal drug trading.

Noong january 2016, nag inhibit na rin sa kaso ni de lima si Muntinlupa RTC Branch 204  Judge Juanita Guerrero, ang hukom na naglabas ng warrant of arrest laban sa senador.