Wednesday, May 1, 2024

NSJBI nagsagawa ng disinfection sa pagmamay-ari nilang condo sa Q.C. vs COVID-19

- Advertisement -

Nagsagawa na ng disinfection ang kumpanyang New San Jose Builders Incorporated (NSJBI) sa pagmamay-ari nilang condominium sa Quezon City.

Kasunod ito ng kumpirmasyong isa sa kanilang residente sa victoria towers ang nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon sa New San Jose, bumiyahe sa ibang bansa ang nabanggit na residente ng Victoria Tower at agad nagtungo ng ospital pagbalik ng pilipinas kung saan nakitang infected ito ng virus.

Dahil dito, agad anilang dinis-infect ang buong gusali kabilang na ang mga commercial areas.

Dagdag ng New San Jose, nagpatupad na rin sila ng mga precautionary measures tulad ng paglalagay ng mga hand sanitizers at alcohol sa ilang mga bahagi ng gusali.

Pagtitiyak pa ng kumpanya, patuloy ang kanilang pakikipag-ugnayan sa lokal na pamahalaan at mga kinauukulang ahensiya para masiguro ang kaligtasan ng lahat.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img