Klase sa Metro Manila at ilang karatig lalawigan suspendido parin ngayong araw

0
13

Nananatiling suspendido ang pasok sa buong Metro Manila at ilang karatig lalawigan ngayong araw.

Kasunod na rin ito ng deklarasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang precautionary measures laban sa pagkalat ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Maliban sa Metro Manila, wala ring pasok sa lahat ng antas sa mga pampublikong at pribadong paaralan sa buong lalawigan ng Bulacan At Cavite.

Gayundin sa mga bayan ng Cainta at Taytay sa Rizal at Lingayen sa Pangasinan.