34.3 C
Manila
Thursday, April 18, 2024

5th Pinoy sa HK nakumpirma nag postibo sa COVID-19 — DFA

- Advertisement -

Nakumpirma ang ikalimang Pilipino na nag positibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Hong Kong.

Ayon kay Department of Foreign and Affairs (DFA) undersecretary Brigido Dulay , walang sintomas ang nasabing  Overseas Filipino Workers (OFW) subalit nag positibo sa nasabing sakit.

Sinabi ni Dulay na naka confine na sa isang quarantine facility sa Hong Kong ang naturang Pinoy, noong nakalipas na buwan .

Dalawang  Pinoy sa Hong Kong ang nag positibo sa COVID-19 subalit inihayag ng DFA na nakarekober na ang mga ito.

 Ipinabatid naman ng Consulate General na ang ikatlong  Filipino case ay malusog at hindi nagpakita ng anumang sintomas ng virus.

 Ang ikaapat na pinoy ay wala ring mga sintomas subalit nag positibo sa COVID-19 at naka confine na rin sa isang quarantine facility.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -