NPO pansamantalang isinara matapos magpositibo sa COVID-19 ang 32 empleyado nito

0
12

Pansamantalang isinara ang National Printing Office (NPO) matapos na magpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang 32 empleyado nito.

Ayon sa anunsyo ng NPO, ang 32 empleyado na nagpositibo ay mula sa 445 indibidwal na unang sumailalim sa RT-PCR test.

Ang pansamantalang pagsasara ay para bigyang daan ang pag-disinfect sa buong establisyimento gayundin ang pagbibigay ng 14 araw na quarantine sa lahat ng nakasalamuha ng mga nagpositibong empleyado.

Samantala, mananatiling sarado ang NPO hanggang ika-14 ng Agosto.