NPA members makakakuha ng libreng COVID-19 vaccine —Duterte

0
18

Makakakuha ang mga miyembro ng New People’s Army (NPA) ng libreng bakuna laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) mula sa gobyerno, oras na may mabuo nang bakuna.

Ayon kay Pangulong Duterte, kung nais ng mga rebeldeng grupo na makakuha ng libreng bakuna ay kanya namang pakikiusapan ang mga militar at pulis na maging mapagpatawad.

Gayunman, matapos nito ay tuloy pa rin aniya ang giyera laban sa mga rebeldeng grupo.

Dagdag pa ni Pangulong Duterte na nais niyang maging malakas ang pangangatawan ng NPA gayung ang kanyang mga kasundaluhan ay malakas at dapat na makakuha ng unang bakuna.

Samantala, matatandaang sinabi ng pangulo noong nakaraang Biyernes na ang militar ang mangunguna sa pamamahagi ng bakuna.