Duterte muling idinepensa si Duque

0
15

Muling idinepensa ni Pangulong Rodrigo Duterte si Health Secretary Francisco Duque III.

Sa naging mensahe sa bayan kagabi ni Pangulong Duterte, sinabi nito na walang sinuman ang nakapaghanda sa salot na idinulot ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Wala umanong makita ang pangulo na kasalanan ni Duque sa nangyayaring pandemya.

Iginiit pa ng pangulo na bagamat may mga gamit at gamot ay hindi pa rin masisisi si Duque dahil lahat naman ay naninibago sa naturang pandemya.