Posibleng maging permanente na ang nuebe pesos na provisional fare sa jeepney na inaprubahan ng LTFRB o Land Transportation Franchising and Regulatory Board.
Nakatakdang talakayin ng LTFRB board ngayong araw ang petisyong gawing permanente ang itinakdang provisional fare o mas mababa pa DTI.
Ayon kay LTFRB Executive Director Samuel Jardin, kung makikita ng board na mayroong katwiran ang hiling ng ilang passenger group ay posible itong mapagbigyan.
Matatandaang ibinalik ng LTRFB sa nuebe pesos ang dating sampung pisong minimum fare sa jeep epektibo ngayong araw.